Ghost Ghost

My Button Collection

Sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi mo na lang ako nakilala. SANA HINDI NA LANG TAYO NAGKAKILALA!

Nakilala kita noon, naging malapit pa tayo. Naging BEST FRIEND pa nga kita diba, pero lahat yun binale-wala mo lang. Masyadong mataas pride mo kaya pag nagkakamali ka, sakin mo pinapasa at pag pinagsabihan kita, hindi mo kayang tanggapin.

Ngayon, nakikita kita sa mga bago kong nakakasalumuha. Ewan ko ba pero hindi ko sila magawang lapitan man lang. Natatakot ako dahil nga nakikita kita sa mga pagkatao nila. Natatakot akong baka katulad mo rin sila at ayoko nang maka-experience ulit ng something na katulad ng ginawa mo sakin. Ayaw ko nang makakita ng katulad mo. :(

Sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi mo na lang ako nakilala. Sana hindi na lang tayo nagkakilala. SANA.

Button Theme